Isang muling pagsulat sa orihinal na likha ni G. Pagsanghan
Merong isang lalaki na nangarap makarating sa Kaharian ng Araw dahil sa mga narinig niyang kwento tungkol sa mga kayamanan nito kaya naglayag siya para dito kasama ang kanyang kaibigan at mga kagamitang inisip niyang makatutulong sa kanyang paglalakbay
Naglakbay siya lampas ng ibat ibang kaharian, Kaharian ng Hangin, Kaharian ng Dilim, at sa bawat hakbang ay may isinuko siya sa mga dala niya, kasama na ang gitarang nagdala ng saya sa mga ilang gabing dusa, isang kwintas na alaala ng nakaraang pag ibig. Isang kaharian bago ang Kaharian ng Araw pinili niyang iwan pati ang kanyang kaibigan na sinamahan siya sa kanyang paglalakbay.
Di kalauna’y narating niya ang Kaharian ng Araw, isang lugar na puno ng liwanag at puno ng kislap ng ginto na di masukat at lampas sa kanyang abot tanaw
Doon sa Kaharian ng Araw nakilala niya ang naunang hari na nakaupo sa trono, ngunit nagtaka siya dahil wala na ibang tao sa kaharian ng araw bukod sa hari
Lumapit siya sa hari at tinanong, “nasaan na po lahat ng taong kasama niyo? Bat kayo lang magisa dito?”
Sabi ng hari, “mabuti’y nandito ka na. Yung mga kasamahan ko iniwan ko para makarating dito, pero ngayon na nandito ka na, pwede na akong bumalik. Baka hindi pa huli ang lahat at maaari ko pa sila makita muli”
–WAKAS–